Ahas sa garden (199)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2019 - 12:00am

“MAGKO-CONCENTRATE na lang ako sa gulayan at iba pa naming tanim ni Tatay sa probinsiya Manang. Malaki ang naitutulong sa aming kabuhayan ng vege­table farming,” sabi ni Alexis.

“Oo nga. Yun na lang ang asikasuhin mo. Tahimik na ang buhay sa probinsiya, sariwa pang gulay ang makakain.’’

“Tama ka Manang. Ikaw Manang, ano ang pasya mo nga­yon?”

“Uuwi na rin ako sa probinsiya namin­. Maski nanghihi­na­­­yang­ ako at na­wa­lan nang silbi ang paglilingkod ko sa pamilya ni Sir Nath, tinatanggap ko na. Siguro ito talaga ang palad ko. Dahil sa walanghiyang si Brenda, nagkasira-sira ang plano ko sa buhay.’’

“Hindi ka kaya ha­­napin ni Brenda, Ma­nang?’’

“Posible yun, Alexis­. Kasi alam ko ang sekreto niya. Marami akong nalalaman sa kanya. Pero kung susundan niya ako sa probinsiya, iyon ang malaki niyang pagkakamali. Doon ko siya ililibing nang buhay. Kapag napunta siya sa balwarte ko, hindi na siya makakaalis nang buhay dun!’’

“Pero mag-ingat ka rin Manang.’’

“Oo Alexis. Yun naman ay mangyayari kung pagtatangkaan niya akong patayin. Pero kung hindi, wa­lang mangyayari sa kanya.’’

“Kukunin ko ang bagong CP number mo Manang at magtawagan na lang tayo.’’

“Oo. Eto ang number ko.’’

Nang maibigay ang number, nagpaalam na si Alexis.

Naghanda naman si Manang sa pag-uwi­ niya sa kanilang pro­binsiya.

NAIBENTA na ang mansion ni Sir Nath. Nasubaybayan ng maid na si Ester ang mga nangyayari sa mansion. Ilang araw makaraang makita niya na umalis sina Sir Nath at Brenda, isang lala­king mukhang Chinese ang nakita niyang nag-iinspeksiyon sa paligid ng mansion.

Kumpirmadong nabili na nga ang mansion nang may mga sasakyang pu­masok sa loob. Pa­­wang closed van. Muk­hang negos­yante ang mga Chinese­ na nakita niya.

Bakit kaya pa­wang mga closed van ang nasa loob? Sa tantiya ni Ester, mga 10 van ang nasa loob.

Sumunod na araw may mala­king container van na pumasok sa ma­laking bakuran.

Labis ang pagtataka ni Ester.

(Itutuloy) 

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with