Ahas sa Garden (195)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2019 - 12:00am

“HINDI po! Hindi po ako espiya!” sabi ni Ester na na­bigla sa biglang pagdating at pagmumura sa kanya ni Brenda. Nawala ang mga dapat ay sasabihin niya kay Sir Nath. Sobra nga palang tapang ni Brenda!

“Umalis ka na! Sabihin mo kay Manang, magdasal na siya!’’

“Tama na Babe! Wala naman siyang nalalaman ukol kay Manang.’’

“Malakas ang kutob ko na kakutsaba ‘yan!’’

Inutusan ni Sir Nath si Ester na umalis na.

“Sige na, pasensiya na.’’

Umalis na si Ester. Gusto­ man niyang sabihin kay Sir Nath ang mga nala­laman kay Brenda, hindi na niya nagawa. Masyadong matapang si Brenda. Hindi niya ito kaya!

Parang aso naman na umuungol si Brenda makaraang makaalis si Ester.

“Bakit ka nag-sorry sa maid na ‘yun. Malakas ang kutob ko na nag-eespiya yun. Naghahanap ng balita para may masabi sa walanghiyang si Manang.’’

“Masyado namang wild ang imahinasyon mo, Babe. Halika na sa loob at baka tinatawagan na ako ng taong bibili nitong mansion.’’

Pumasok sila sa loob.

Maya-maya may tuma­wag kay Nath sa cell phone.

Dinig na dinig ni Brenda ang usapan ni Nath at ng buyer.

“Next week babayaran mo na ako? Good. Ipaha­handa ko na ang deed of sale. Twenty million no more no less. Mura na ito my friend. Gusto ko na lang madispatsa dahil gusto ko e sa condo na lang manirahan.”

Habang nakikinig si Brenda ay nakangiti siya.

Twenty million pesos! Kailangang mapasakanya lahat iyon! Kapag nasa kanya na, iiwanan na niya si Nath at bahala na ito sa buhay niya.

Hahanapin niya si Alexis at sila ang magsasama. Mas gusto niyang kasama si Alexis. Mas bata ito at sariwa! Tiyak na nasa pro­binsiya si Alexis. Madali nang ipagtanong kung saan ang probinsiya nila!

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with