^

True Confessions

Ahas sa garden(194)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ABANGAN uli natin si Sir Nath, Ester at ako na ang kakausap sa kanya. Bago niya ma­ipagbili ang mansion, dapat malaman muna niya ang lahat nang nangyari at para mabuking na rin ang ginagawa ni Brenda,” sabi ni Manang.

‘‘Sige, aabangan uli natin. Kapag natiyempu­han, labas ka kaagad para makausap si Sir Nath. Laban kung laban na.’’

“Kapag nakausap ko siya, titigil na ako at bahala na siyang magpasya. Ako uuwi na lang sa probinsiya at doon na lang maghahanapbuhay. Mas tahimik pa ang kalagayan ko roon.’’

‘‘Tama yun, Manang. Sige, aabangan uli natin si Sir Nath. Ito ang huli nating paki­ki­pagsapa­laran,’’ sabi ni Ester.

“Baka pag nalaman ni Sir Nath ang kawalanghi­yaan ni Brenda, baka mag­bago ang pasya ni­yang ibenta ang mansion.’’

“Sige. Mag-abang uli tayo.’’

Muling inabangan ng dalawa ang paglabas ni Sir Nath pero mailap ang pagkakataon. Laging wala sina Sir Nath at Brenda sa mansion. Walang ideya sina Manang at Ester kung nasaan ang dalawa. Hula ni Manang, abala na ang mga ito sa pagbili ng condo gaya ng sinabi ni Sir Nath kay Ester.

Minsan, biglang nagtungo si Manang sa bahay ng pinsan nito para mangumusta at nang araw ding iyon naman eksaktong nagpakita sa may gate si Sir Nath.

Kung kailan umalis si Manang saka naman nag­­pakita ang inaabangan.

Mabilis na nagpasya si Ester, siya na lamang ang magsasabi kay Sir Nath ng ukol kay Brenda. Halos alam na naman niya ang buong pangyayari dahil kinuwento na ni Manang sa kanya. Hindi dapat masayang ang pag­kakataon.

Nagkukumahog siyang lumabas at tinungo ang gate ng mansion kung saan naroon si Sir Nath.

“Sir Nath magandang umaga po?’’

“Good morning. Ano ang maipaglilingkod ko sa’yo?’’

“May sasabihin po akong mahalaga, Sir.’’

“Ano yun?’’

Pero bago nakapagsalita si Ester, biglang dumating si Brenda.

‘‘Espiya ka siguro ni Manang ano? Ilang beses na kitang naki­kita na nag-oobserba rito. Sabihin mo kay Ma­nang, magdasal na siya!’’ (Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(194)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with