Ahas sa Garden(191)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2019 - 12:00am

“KAILAN, Babe? Kailan mo ipagbibili ang mansion?” tanong ni Brenda na tuwang-tuwa sa pasya ni Sir Nath.

“Baka next month, magkaba­yaran na. Pinaplantsa na.’’

“Wow! Magkano, Babe?’’

“More or less, P20-M!’’

“Wow!’’

“Kapag nabenta na, sa condo na tayo. Dalawang unit ang bibilhin natin.’’

“Babe isa sa akin ha? Ipangalan mo sa akin.’’

“Of course na­man.’’ Biglang hinalikan ni Brenda sa labi si Sir Nath. Halos pasakmal­. Matagal silang nag­ha­­likan.

Nang iangat ni Brenda ang labi ay kinapos sila ng hininga.

“I love you Babe,” sabi ni Brenda.

“Ano pa ang gusto mo bukod sa condo?’’

“Car.’’

“Walang problema, ibibili kita ng car. Ganyan kita kamahal, Babe!’’

Hinalikan uli ni Brenda sa labi si Sir Nath. Naghalikan uli sila.

Hanggang ipasya ni Brenda na sa loob na sila ng cottage. Mas­yado siyang nasiyahan sa sinabi ni Sir Nath kaya may sorpresa rin siya rito.

NAKASILIP ng pagkakataon si Ester­, ang maid na kaibigan ni Manang. Natiyempuhan isang umaga si Sir Nath na nasa gate ng mansion. Kakausapin niya ito. Mabuti at nag-iisa. Wala ang sagabal na si Brenda. Nilapitan niya.

(Itutuloy)

AHAS SA GARDEN(191)
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with