Ahas sa Garden (190)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 11, 2019 - 12:00am

BINABALIKAN ni Ale­xis ang mga nangyari sa kanya sa mansion ni Sir Nath. Hindi talaga niya akalain na masa­sangkot siya kay Brenda. Tama ang sabi ni Manang na lubhang delikado ang babaing ‘yun. Hindi ga­gawa ng mabuti. Kaya pala ganun na lamang ang pagpapa­aalala sa kanya ni Ma­nang. Sana nakinig siya kay Manang. Pati si Manang ay nasangkot sa ginawa niyang pagpatol kay Brenda. Mabuti na lang at nakaligtas sila sa mapanganib na si Brenda.

Iniisip ni Alexis kung itinuloy ni Brenda ang balak na pagpatay kay Sir Nath. Siya pa ang inuutusan ni Brenda na pumatay dito. Abangan daw si Sir Nath sa gate saka saksakin. Tala­gang mamamatay-tao si Brenda. Walang takot. Ang plano pa ni Brenda, pagnanakawan si Sir Nath at saka papatayin. Pero dahil nasira na ang plano nang makatakas si Manang, siya ang pinagdiskitahan ni Brenda at sinaksak na hindi naman nakasugat sa kanya. Ang akala ni Brenda ay patay na siya.

Kung itinuloy ni Brenda ang balak kay Sir Nath, kawawa naman ang ma­tanda. Baka napatay ito?

Tanging si Manang lamang ang mapagkuku­nan niya ng impormas­yon. Maaari naman niya itong puntahan sa bahay ng pinsan nito para makibalita. Nakiusap siya kay Manang na kung ma­kakausap si Sir Nath, ihi­ngi siya ng tawad sa nagawang kasalanan. Ipaliwanag na nilason lang ni Brenda ang kanyang isipan kaya pumatol dito.

Pero sa ngayon, hindi muna siya makikipagkita kay Manang. Palilipasin muna niya ang ilang buwan bago lumuwas ng Maynila.

Dito muna siya sa probinsiya para tulungan ang kanyang mga magulang.

Nang mga sandali namang iyon, hindi pa rin makakita ng pagkakataon ang kaibigang maid ni Manang na si Ester para makausap si Sir Nath. Tuwing lalapitan niya sa gate si Sir Nath ay lumalapit si Brenda. Napapansin ni Ester na laging umaalis ang dalawa. Lagi nang kasama si Brenda sa ba­wat pag-alis ni Sir. Nath.

“Saan kaya sila nag­tutungo Manang?’’ ta­nong ni Ester.

“Baka sa mga dina­daluhang meeting ni Sir Nath.’’

“Hindi ko matiyempu­­han na nag-iisa si Sir Nath. Laging nakadi­kit ang malanding si Brenda.’’

ISANG araw nasa isang kilalang beach resort sina Sir Nath at Brenda. May sinabi si Sir Nath.

“Ibebenta ko na ang mansion, Babe! May buyer na.’’

Tuwang-tuwa si Brenda.

“Talaga? Mahahali­kan kita Babe!’’

“Gawin mo, ha-ha-ha!”

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with