Ahas sa Garden (185)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 6, 2019 - 12:00am

NANG biglang may sabihin si Brenda kay Sir Nath.

“Babe, bakit hindi mo pa ibenta ang man­sion na ito?’’

Napatingin na may pagtataka si Sir Nath kay Brenda.

“Ba’t mo naisip ‘yan, Babe?”

“E kasi dadalawa lang naman tayo na nakatira rito. Ang laki nito para sa atin. Gumagastos ka nang malaki sa ilaw, tubig at kung anu-ano pa e puwede naman tayo sa condo na lang tumira.’’

Nag-isip si Sir Nath.

“Dapat maging praktikal na tayo Babe. Hindi natin kailangan ang malaking bahay. Kahit maliit kung ma­saya naman tayong nag­sasama e malaki na rin yun. Ano sa palagay mo?’’

Hindi makasagot si Sir Nath.

“Para makawala na rin tayo sa masamang energy na nasa bahay na ito. Muntik na akong magahasa rito ng ahas mong gardener at gusto akong palayasin ng iyong mayordomang walanghiya. Hindi na magandang tumira rito. Mas maganda kung ibenta mo na ito.’’

Nag-iisip pa rin si Nath.

Mukhang may ka­twiran si Brenda.

Panahon na nga siguro para ibenta ang bahay at lupa na ito.

“At isa pang magi­ging problema mo Nath, pag-aawayan lang ito ng mga anak mo. Kaya para wala silang pag-awayan, ibenta mo na ito, Babe.’’

“Pag-iisipan ko, Babe.’’

“Bilisan mo ang pag-iisip.”

“Iniisip ko kasi ay ang dalawang anak ko sa Australia. Baka tumutol sila.’’

“Ikaw ang dapat masunod, Babe. Wala silang magagawa kahit ano ang gawin mo sa bahay na ito.’’

Napatingin sa malayo si Sir Nath.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with