Ahas sa Garden (183)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 4, 2019 - 12:00am

“BAKIT hindi mo tawagan ang mga anak ni Sir Nath sa Australia, Manang?’’ sabi ni Ester. “Mabuting malaman nila ang ginagawa ng kanilang ama at ng ka-live-in nito.’’

“Hindi ko na alam ang number nila Ester. Nasira ang cell phone ko. Sinira ni Brenda nang makitang tinatawagan ko si Sir Nath. Biglang inagaw sa akin at ibinato --- wasak! Kasi’y mayroong mga picture dun na nagtatalik sila ni Alexis sa bedroom. Naaktuhan ko sila at kinunan ng picture.’’

“Ganun ba? Sayang! May ebidensiya ka na pala pero naging bato pa.’’

“Narinig kasi niya ang pagsusumbong ko kaya talagang pinuntirya niya ang cell phone ko para walang katibayan ang kataksilan niya.’

“Wala ka bang naitagong number ng magkapatid.’’

“Mayroon pero nasa likod ng kalendaryo na nakasabit sa dingding ng kuwarto ko sa basement. Isinulat ko dun ang mga contact number ko.’’

“Wala nang iba pa?’’

“Wala na.’’

“Wala pala talagang paraan kundi ang makausap mo nang personal si Sir Nath ano?’’

“Oo. Yun lang ang pinakamagandang paraan.’’

“Sige, aabangan na lang natin si Sir Nath na nag-iisa. Ako ang kakausap sa kanya. Sana, matiyempuhan ko na hindi kasama ang walanghiyang kabit.’’

NAGTATAKA naman si Brenda kung bakit wala nang nababanggit si Sir Nath ukol kay Alexis at Manang. Mukhang nalimutan na ang ginawa ng dalawa. Sabi ni Nath noon, hahanapin niya ang dalawa, lalo si Alexis. Pa­niwalang-paniwala si Nath na pinagtangkaan siyang ga­hasain ni Alexis.

Nasa swimming pool sila ni Sir Nath. Pakiramdam ni Brenda, wala na ngang interes si Nath sa dalawa.

Siya na ang nagpaalala kay Nath. Umisip siya ng kuwento para mapukaw si Nath at gumawa ng hakbang.

“Alam mo Babe, napani­ginipan ko na nagbalik dito si Alexis at pinasok ako sa banyo habang naliligo. Pinagtangkaan na naman ako.’’

Nanlisik ang mga mata ni Sir Nath.

“Papatayin ko siya!’’

“Hahanapin mo pa ba sila?’’

“Oo. Hahanapin ko.”

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with