Ahas sa Garden (182)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 3, 2019 - 12:00am

NANG lalapitan na ni Ester­ si Sir Nath para batiin at kausapin, eksakto namang dumating si Brenda.

Napaatras si Manang.

Nagbago ang kanyang pasya. Hindi na muna niya kakausapin si Sir Nath at baka makahalata ang bruhang si Brenda.

Sa ibang pagkakataon na lang niya ito kakausapin.

Nagbalik si Ester sa loob ng mansion kung saan naghihintay si Manang.

“Sablay ang plano ko Manang. Dumating bigla ang bruhang si Brenda.’’

“Nakita ko nga Ester. Nakasilip ako sa gate kanina. Di bale, mayroon pa namang ibang pagkakataon.’’

“Akala ko, tagumpay na ang plano, hindi pala.’’

“Makakausap mo rin si Sir Nath, Ester.’’

“Hindi ako titigil hang­ga’t hindi siya nakaka­usap. Magtatanong lang na­man ako kunwari.’’

“Pero siguro kailangan din ay mag-ingat tayo sa pagta­tanong at baka makahalata si Sir. Malakas din ang pakiramdam niya. Baka mahalata na nag-eespiya ka lang.’’

“Ako ang bahala, Ma­nang. Yakang-yaka ko ang gagawin at wala siyang ma­hahalata sa akin kahit kaunti.’’

“Mas maganda talaga ay matiyempuhan si Sir na nag-iisa.’’

“Ano ba kadalasan ang alis ni Sir Nath, Manang. Si­yempre alam mo yun dahil ang tagal mo na sa kanila. Ilang taon ka ngang nagling­kod sa kanila?”

“Mahigit 40 years.’’

“Tingnan mo at ang tagal mo palang naging alipin diyan tapos papatayin ka lang ng Brenda na ‘yun.’’

“Ang mga anak ni Sir Nath at Mam Pia ay ako na ang nagpalaki.’’

“Ilan ba anak nila?’’

“Dalawa. Lalaki at babae.’’

“Nasaan sila?’’

“Australia.’’

“Nagkakausap kayo?’’

“Oo.”

“Bakit hindi sila ang ka­usapin mo, Manang.’’

Biglang nag-isip si Ma­nang. Bakit nga hindi? Ma­aari niyang kausapin ang mga anak ni Sir Nath.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with