Ahas sa Garden (181)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - July 2, 2019 - 12:00am

“TUTULUNGAN kita Manang dahil naaawa ako sa’yo. Alam kong naagrabyado ka. Pinatulan ka ng walanghiyang si Brenda kahit matanda ka na. Kung ako ang nakatapat niya, tiyak na kawawa siya!’’ sabi ni Ester na nanggigigil.

“Tulungan mo akong makausap si Sir Nath, Ester. ‘Yun lang naman ang mahalaga. Kailangang malaman ni Sir Nath ang lahat.’’

“Hayaan mo at ako ang gagawa ng paraan, Manang.’’

“Hindi kaya nila mabisto na narito lamang ako sa kata­pat na mansion.’’

“Hindi ka naman nila matatanaw dito dahil mataas ang pader. Safe ka rito.’’

“Pero hindi pa ba talaga darating ang mga amo mo, Ester?’’

“Hindi pa. Kaaalis lang nila nung isang araw.’’

“E sino nga pala ang kasama mo rito?’’

“’Yung mister ko, driver siya. Pero wala siya ngayon at nasa probinsiya. Baka bukas pa ang dating.’’

“May anak kayo?’’

“Wala. Baog yata ang mister ko. Hindi makabuo. Pero super bait niya.’’

“Anong pangalan?’’

“Mauro. Mau ang tawag ko.’’

“Baka magtaka si Mau kapag nakita ako rito, Ester.’’

“Hindi! Mabait yun. Ipapaliwanag ko sa kanya ang nangyari sa’yo.’’

“Salamat. Talaga mabuti kang kaibigan.’’

Kinabukasan, big­lang tinawag ni Ester si Manang.

“Halika, Manang tingnan mo si Sir Nath at nasa may gate. Lalapitan ko siya.’’

“Anong sasabihin mo?’’

“Basta magtata­nong lang ako sa kanya kunwari.’’

“Sige pero mag- ingat ka at baka ma­kahalata.’’

Lumabas si Ester at tinungo ang kina­roroonan ni Sir Nath.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with