Ahas sa Garden (178)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - June 29, 2019 - 12:00am

UMIIYAK si Manang habang nagkuku­wento­ sa kaibigang si Ester. Matagal na rin niyang kilala si Ester na ang mansion na pinaglilingkuran ay katapat lang ng mansion ni Sir Nath.

“Pero ano ang balak mo at nagbalik ka diyan sa mansion, Manang?’’ tanong ni Ester.

“Kakausapin ko nga si Sir Nath at ipagtatapat ko ang lahat pati na nga ang tangkang pagpatay sa akin ni Brenda.’’

“Pero delikado ka kay Brenda, Ma­nang. Tiyak na papatayin ka nun dahil ikaw pala ang nakaaalam ng lihim niya.’’

“Ngayon ko nga lang naisip Ester. Sanay pa­­lang pumatay ang babaing ‘yun. Akala ko nga katapusan ko na dahil nilagyan pa ako ng masking tape sa bibig at ipinasok ako sa loob ng closet. Hindi ako makahinga. Mabuti na lang at iniligtas ako ni Alexis.’’

“E nasaan naman si Alexis?’’

“Nasa probinsiya na. Natakot na gantihan ni Sir Nath.’’

“Kung bakit kasi nagpauto siya kay Brenda. Nadamay tuloy siya.’’

“Nilason ang isip ni Alexis, Ester. Hindi ko masisi si Alexis dahil pinatikim ni Brenda ng kamandag.’’

“Mabuti naman at niligtas ka ni Alexis.’’

“Hindi naman talaga siya masama. Na­awa rin ako.’’

“Ikaw ang kawawa ngayon, Manang. Ma­buti pa dito ka na muna para naoobserbahan mo ang ga­law diyan sa mansion ng amo mo.’’

“Okey bang dito muna ako.’’

“Oo. Wala ang mga amo ko. Isang buwan sila sa Japan. Dito ka muna at tutulungan kita.’’

“Salamat Ester.”

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with