^

True Confessions

Ahas sa Garden (176)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, bihis na bihis na si Sir Nath para dumalo sa conference na idaraos umano sa isang hotel sa Davao.

“Maiwan ka na lang dito at dadalo ako sa confe­rence. Kung gusto mong mag-shopping e gawin mo. O manood ng sine. Kung gusto mo e rito na lang sa kuwarto at manood ng pelikula. Kung ano ang gusto mo, Babe, bahala ka.’’

“Anong oras ka uuwi Babe?’’

“Mga 6:00 ng gabi narito na ako.’’

“Malayo ba rito ang ve­nue ng conference?’’

“Malayo. Mga 20 kilometers mula rito sa city.’’

“Sige. Baka dito na lang ako sa room at manonood ng movie.’’

“Okey Babe. Babay!’’

Hinalikan ni Sir Nath si Brenda.

Pagkatapos ay lumabas na siya.

Ang totoo, wala naman­ talaga siyang conference na dadaluhan. Babae ang ka­tatagpuin niya sa isang hotel. Dun sila magko-“con­ference’’. Hindi niya sinabi kay Brenda ang pangalan ng hotel na pupuntahan at baka sundan siya. Mahirap na.

Pagdating niya sa hotel na pagdarausan ng “confe­rence” ay naroon na ang babae sa lobby.

“Ang tagal mo naman, Nath! Napanis na ako rito sa kahihintay,’’ sabi ng babae na mas bata at maganda kaysa kay Brenda.

“Hindi agad ako maka­alis dahil kasama ko sa hotel si Brenda. Baka mabuking ako.’’

“Bakit pa kasi hindi mo hiwalayan ang gurang na ‘yun.’’

“Huwag kang mainip at mangyayari yun.’’

“Para ako na lang ang nahaharap mo Nath. ‘Di ba mahusay naman ako?’’

“Oo. Mahusay na mahusay ka kaya nga ikaw ang dinayo ko rito.’’

“Tayo na sa itaas, Nath.’’

“Tena.’’

Nagtungo na sila sa room na pina-reserve ni Nath.

 

NANG mga sandali namang iyon, hindi malaman ni Manang kung paano ma­kakausap si Sir Nath. Gusto na niyang makausap ito nang personal para malaman na nito ang lahat-lahat.

Nagpasya siyang puntahan na ito sa mansion.

Nang makarating siya sa mansion, walang tao dahil nasa Davao City nga sina Nath at Brenda.

Problemado si Manang kung paano makakausap si Sir Nath. Hindi naman dapat malaman ni Brenda ang plano niya dahil alam niyang ma­tindi ang galit nito sa kanya. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with