^

True Confessions

Ahas sa garden (173)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAGTATAKA lang kasi ako dahil nang tawagan ako ni Manang at nagsusumbong, big­lang nawala ang boses niya at nang tawagan ko, hindi na makontak. Siguro nga ay gumagawa lamang ng istorya ang matandang ‘yun,’’ sabi ni Sir Nath na nakatingin kay Brenda.

“Gusto nga niya­ akong sirain at mapa­layas dito, Babe. Kaya ang suspetsa ko, siya rin ang nagsulsol kay Alexis para ako pagsamantalahan. Pina­sok ako ni Alexis sa kuwarto natin. At ha­bang nakakubabaw sa akin, nakita ko sa may pintuan ang matanda at hawak ang cell phone niya at kinukunan ang panggagahasa ni Ale­xis sa akin.’’

Napa-putang-ina si Sir Nath.

‘‘Totoo ba ang sinasabi mo Babe?’’

“Oo!’’

“Napakawalanghiya rin pala ni Manang. Pa­lagay ko tama ang sinabi mo na sinulsulan ni Manang ang ahas na si Alexis para ka gahasain. At bakit kinukunan ng picture ang ginagawa sa’yo.’’

Umiyak si Brenda.

Pinayapa siya ni Sir Nath.

‘‘Huwag ka nang umiyak at akong bahala sa dalawang ahas. Hahanapin ko sila!’’

Tumigil sa pag-iyak si Brenda. Lihim na napangiti.

‘‘Kaya pala ganun na lamang ang pag-aalala ko sa’yo habang nasa conference kami. Kaya nagmamadali akong umuwi. ‘Yun pala may nangyayari nang hindi maganda.’’

Lihim na napasimangot si Brenda.

Nang tumalikod si Nath, lihim siyang minura ni Brenda.

Hindi ko nalilimutan ang panloloko mo hayop ka. Gaganti ako sa’yo!

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with