^

True Confessions

Ahas sa garden (171)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HALIKA sa bahay ng pinsan ko at doon natin pag-isipan ang mga gagawin. Pala­gay ko, galit na galit sa atin si Sir Nath dahil binaliktad na ng walanghiyang si Brenda ang pangya­yari,’’ sabi ni Manang. ‘‘Kailangan ding magamot ang sugat mo sa braso.’’

Nagtungo sila sa bahay ng pinsan ni Manang. Mabait naman ang pinsan ni Manang dahil inasikaso sila.

Ginamot ni Manang ang sugat ni Alexis.

‘‘Mabuti at hindi ka napuruhan ng walanghiyang babae. Talagang sanay pumatay ano?’’

“Oo Manang.’’

“Mabuti at daplis lang ito. Paano kaya kung hindi ka nakatakas, baka kung ano na ang nangyari sa iyo.’’

“Maaaring napatay niya ako. Sinamantala ko ang pagtakas nang umalis siya at nagtungo sa bedroom.’’
“Ikaw kasi hindi ka nakinig sa akin.’’

“Nagsisisi na ako Manang.’’

Napahinga nang malalim si Manang.

‘‘Pag-isipan natin kung paano lalapit kay Sir Nath. Ipaliliwanag natin ang lahat at humingi ka ng tawad.’’

“Balak ko umuwi na lang sa probinsiya namin, Manang. Magtatago na lang ako.’’

‘‘Hahanapin ka nun. Hindi titigil hangga’t hindi ka nakikita.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with