^

True Confessions

Ahas sa Garden(165)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGMAMADALING tinu­ngo nina Nath at Brenda ang basement kung saan iniwan ang sugatang si Alexis.

Pero ganoon na lamang ang pagtataka ng dalawa nang hindi makita roon si Alexis.

“Nasaan ang hayop na si Alexis?’’

“Dito ko siya iniwan. Sinaksak ko siya!’’

“Sigurado ka, Babe?’’

“Oo Babe sigurado ako. Nakalugmok siya rito. Ayan at may bakas ng dugo.’’

“Maaaring nakalabas na ang hayop na yun!’’

“Tinulungan siya ni Ma­nang! Silang dalawa ang magkakutsaba. Ang balak nila nanakawan ang bahay pagkatapos akong ga­ha­sain at patayin. Pero nanlaban ako kaya hindi natuloy ang balak.’’

Natigilan si Nath. Nagu­guluhan siya.

Napansin iyon ni Brenda.

“Bakit natigilan ka, Babe?”

“Kasi tumawag sa akin si Manang at nagsusumbong. Kayong dalawa raw ni Alexis ay may relasyon at sa mismong bedroom pa natin kayo nagtatalik. Pero habang nag-uusap kami, bigla siyang nawala sa linya. Kaya ako biglang umuwi, Babe.’’

Biglang bumunghalit ng iyak si Brenda.

Pagkatapos ay nagsumbong.

“Binaliktad ng matandang­ iyon ang lahat. Gumawa siya ng kuwento para maga­lit ka sa akin. Ang totoo, nang mawala siya sa linya, nanlalaban ako kay Alexis noon dahil kasalukuyan akong ginagahasa. Dahil pinagtutulungan nila akong maihiga, natabig ko ang kamay ni Manang na may hawak na cell phone at nabasag. Nang mabasag ang phone, sinabunutan ako ni Manang at kinalmot. Pero nang makadampot ako ng patalim at sinaksak si Alexis, nagtatakbo ang matanda at hindi ko na alam kung nasaan. Naiwan niya ang bag na may lamang alahas. Ipakikita ko sa iyo ang bag.’’

Kumbinsido si Nath.

“Sige, sige naniniwala na ako. Pero kailangang makita natin ang ahas na si Alexis. Palagay ko narito pa yun sa loob ng bahay.’’

Hinanap nila si Alexis.

Lahat nang sulok ay sinaliksik nila.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(165)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with