Ahas sa Garden (162)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2019 - 12:00am

NADAPLISAN sa kanang braso si Alexis nang saksakin ni Brenda. Dumaloy ang dugo.

‘‘Hayup ka Brenda! Bakit mo ako sinaksak­?’’

‘‘Papatayin talaga kitang bobo ka! Sinira mo ang plano kong gan­tihan ang walanghiyang si Nath. Uunahin na kitang todasin ngayon. Kapag napatay kita, isusunod ko naman si Nath!’’

Nanlisik ang mga mata ni Brenda at muling­ inundayan ng saksak si Alexis. Nakailag si Ale­xis at nahawakan niya ang kamay ni Brenda. Patu­loy sa pagdaloy ang dugo niya sa braso. Ma­rami nang nawawalang dugo sa kanya.

‘‘Ikaw muna ang pa­patayin ko!’’ sabi ni Alexis habang pilit na inaagaw ang patalim kay Brenda.

Mahigpit ang pagka­kahawak ni Brenda sa patalim. Malakas si Brenda. Tila nilulukuban ng kung anong masamang espiritu. Parang lalaki sa lakas at tibay.

‘‘Isa sa atin ang ma­ma­matay Alexis at ikaw yun! Siguradong ikaw yun, bobo!’’

‘‘Baliw ka Brenda! Hindi pala ako dapat nakinig sa’yo. Ginamit mo lang ako !’’

“Kahit ano pang sabihin mo sa akin ngayon ay wala nang kuwenta da­hil papatayin kita. Hindi ko na kailangan ang bobo na katulad mo, ummmm!’’

Nagpambuno sila. Nag­pagulung-gulong sa suwelo.

Nakakaramdam naman ng panghihina si Alexis dahil sa dumadaloy na dugo sa braso niya. Halos punumpuno na ng dugo ang damit niya.

Pero kailangang labanan niya si Brenda. Hindi siya dapat magpatalo sa babaing ito. Nga­yon niya lubusang naiisip na gawa-gawa lamang nito ang masamang sina­sabi kay Sir Nath. Hindi totoong balak siyang pa­layasin ni Sir Nath. Gi­nawa lang iyon ni Brenda para lasunin ang isip niya at magalit siya kay Sir Nath. Siya pa ang inuutusan nito na patayin si Sir Nath. Napakasama ng babaing ito!

Nararamdaman ni Alexis na nawawalan siya ng malay. Nanghihina na siya at nanla­labo ang mga mata.

Hanggang sa lumu­wag ang kanyang pagkakahawak sa patalim.

Iyon ang sinamantala ni Brenda. Inunda­yan si Alexis.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with