Ahas sa Garden (143)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

GIGIL na gigil si Manang nang makita ang pagpasok nina Brenda at Alexis sa master’s bedroom. Magsasalo na naman sa kasalanan ang dalawa. Sa mismong kuwarto pa ni Sir Nath ginagawa ang kasalanan. Mga hayop! Mga salaula!

Kung hindi biglang sumingit ang “malan­ding” si Brenda kahapon na kinakausap niya si Sir Nath, nasabi na sana niya ang kataksilang ginagawa ng dalawa. Sasabihin na niya ang nangyayaring pag­tatalik at ipakikita ang mga kuhang pictures nang biglang umeksena si Brenda. Natapos na sana ang ginagawang kasalanan ng dalawa kung nasabi niya kahapon. Nasentensiyahan na sana ang dalawa!

Kung mapapatay ni Sir Nath ang dalawa, okey lang sa kanya. Matutuwa siya sapagkat mawawala ang “salot” na si Brenda.

Para kay Manang, “salot” na niyang itinuturing si Brenda sapagkat mula nang iuwi siya rito ni Sir Nath marami nang pagbabago. Nasalaula na ang mansion na dati namang mapayapa at matiwasay ang pamumuhay. Nasira ang magandang hangarin ng mabait na asawa ni Sir Nath na si Mam. Pati ang mga inaala­gaang halaman ni Mam ay sinira sa utos ni Brenda, kabilang ang orchids.

Gusto ni Manang na matapos na ang ginagawang kasalanan ng dalawa. Hihintayin niya ang pagbabalik ni Sir Nath at talagang isisiwalat na niya lahat.

KINABUKASAN nang magising sina Brenda at Alexis, si Manang ang ka­nilang pinag-usapan.

“Masama ang kutob ko kay Manang. Mukhang isusumbong tayo, Alexis.’’

“Buwisit talaga ang ma­tandang yun!’’

“Ano ang gagawin natin, Alexis?”

“Ako ang bahala!”

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with