^

True Confessions

Ahas sa Garden (141)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, maagang gumising si Sir Nath. May conference daw na dadaluhan sa Cebu kaya kailangang maaga sa airport.

Duda naman si Brenda. Mula nang may mabasa siyang text ng babae sa CP ni Sir Nath, hindi na siya naniniwala rito. Tiyak na ang pag-alis ngayon ni Nath ay tungkol na na­man sa babae nito at hindi ang conference na sinasabi nito.

Balak sana ni Brenda na pakialaman ang cell phone ni Nath at baka may bagong text ang kalaguyo pero hindi niya makita. Maaaring nakahalata ito na may nakialam sa CP kaya itinago na. Nanghinayang si Brenda. Sana nahalungkat uli niya ang CP.

Hindi na humiling si Brenda kay Nath na isama siya sa Cebu. Bakit pa? Hindi na siya magmama­kaawa dahil hindi rin naman mangyayari ang gusto niyang sumama rito. Basta, gawin na ni Nath ang gustong gawin at gagawin din niya ang gusto niya o gusto­ nila ni Alexis. Tiyak na matutuwa si Alexis kapag nalamang paalis na si Sir Nath. Matagal nang atat si Alexis.

“Aalis na ako, Babe. Ka­ilangang makarating ako on time.’’

“Sige Babe. Hindi na ako magpupumilit su­mama dahil tiyak na ta­tanggi ka.’’

“Sa sunod na lang Babe. Promise talaga!’’

“Sanay na ako riyan. Sige na, babay na.’’

“Pahalik nga Babe. Mami-miss kita. Baka mga dalawang linggo ako sa Cebu.’’

Hinalikan ni Sir Nath si Babe sa labi. Mabango ang hininga ni Brenda.

“Bye I love you!” sabi ni Nath.

Lingid sa kanila, nagmamasid si Ale­xis. Nakangiti ito.

Ma­sosolo ko na si Brenda! 

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with