^

True Confessions

Ahas sa Garden (139)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGTAKA naman si Sir Nath kung bakit bigla siyang niyaya ni Brenda sa kanilang kuwarto. Hindi niya tuloy narinig ang sa­sabihin ni Manang. Sasabihin na ni Manang nang biglang lumapit si Brenda. Naudlot tuloy si Manang sa pagsasalita. Mukhang mahalaga pa naman ang sasabihin ng matanda. Baka gusto nang magretiro bilang cook.

“Ano ba ang ipakikita mo Babe at nabitin tuloy ang sasabihin sa akin ni Manang?’’

Hindi agad sumagot­ si Brenda. Nanatiling nakatingin lang kay Nath. Katuksu-tukso ang na­mu­­tawing ngiti sa labi.

“Ano Babe? Ano ba ang ipakikita mo?’’

Kumilos si Brenda.

Hinubad ang damit.

Hanggang sa wala nang natirang saplot sa katawan nito.

Patda si Nath sa ginawa ni Brenda.

Pero mabilis na nakabawi.

“Babe ang ganda mo! Sariwang-sariwa ka pa!’’

“Lagi kong inaalagaan ang kata­wan ko para manatiling sariwa para sa’yo. Ayaw kong papa­litan mo ako, Babe.’’

Napahagikgik si Nath.

“Bakit naman kita papalitan? Sira-ulo lang ang lalaking papalitan ka! ‘’Yang ganda mong ‘yan!’’

Lihim na napaismid si Brenda. Hindi mo na ako madedenggoy ulol!

“Ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba, Babe!’’ sabi ni Nath at gahamang sinakmal ang labi ni Brenda.

Matagal silang naghalikan.

Nalunod na sila.

Hanggang sa pareho na silang walang saplot at magkaisa na ang mga katawan sa kama.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with