^

True Confessions

Ahas sa Garden (138)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HANDA na si Ma­nang para isumbong kay Sir Nath ang pagtataksil nina Brenda at Alexis. Ipakikita na rin niya ang malalaswang kuha nang pagtatalik ng dalawa. Wala nang makakapigil pa sa kanya. Kailangang matapos na ang ginagawang kasalanan ng dalawa­. Kawawa naman si Sir Nath na niyuyurakan ang dangal.

Pero bago nagawa ni Manang na isiwalat ang ginagawang kasalanan ng dalawa, biglang dumating si Brenda.

“Babe nariyan ka pala, halika sa kuwarto dali at may ipakikita ako sa’yo!’’

“Ano yun Babe?’’
“Basta halika! Dali!’’

“Teka at may sina­sabi si Manang sa akin.’’

“Saka na lang yan. Halika na sabi.’’

“Sige.’’

Tumayo si Sir Nath. Pero bago umalis kasama si Brenda ay nakapagsalita pa kay Manang. ‘‘Sige Manang saka na lang yang sasabihin mo.’’

Napatango na lang si Manang.

Umalis­ na ang da­­lawa at na­­iwan si Ma­nang na hinayang na hinayang. Muntik na! Malalaman na sana ni Sir Nath ang ginagawang kataksilan. Sayang!

Nagbalik sa kusina si Manang. Lag­­­lag ang balikat niya dahil nasira ang plano.

Bakit kaya big­lang lumapit si Brenda nang sasabihin na niya kay Sir Nath ang tungkol sa kataksilan? Nahalata kaya ang balak niya?

Pero hindi siya nasiraan ng loob, hahanap uli siya ng tiyempo para makausap si Sir Nath. Hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with