Ahas sa Garden(136)
“AKALA ko ba mayroon siyang kinalolokohang babae kaya laging umaalis? Bakit narito pa’’ tanong ni Alexis.
“Meron nga siyang babae. Nabasa ko nga ang text ng kalaguyo niya. Hinihintay siya.’’
“E bakit narito pa ‘yan? Hindi tuloy tayo makapaglaro.’’
“Sabik ka nang maglaro tayo, Alexis?”
“Oo. Tinuruan mo ako e.’’
“Dati, aanga-anga ka pa e. Ngayon lumalaban ka na.’’
“Tinuruan mo akong lumaban e.’’
“Mas magaling ka nga kaysa kay gurang e.’’
“Maglaro kaya tayo ngayon, Brenda? Tulog na ba si amoy lupa?’’
‘‘Huwag ngayon, Alexis, baka mahuli tayo. Hintayin na lang natin na makaalis si Ranggu.’’
“Kahit five minutes lang Brenda, dun sa basement.’’
‘‘Huwag kang atat Alexis. Makinig ka sa akin. Aalis din si Ranggu!’’
“Sana umalis na bukas!’’
‘‘Hintayin natin.’’
Lingid kina Brenda at Alexis, nakikita pala sila ni Manang. Nakakubli si Manang sa haligi at inoobserbahan sila.
Isang balak ang naiisip niya. (Itutuloy)
- Latest