^

True Confessions

Ahas sa Garden(135)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“ANG ahas kasi ay walang babala kapag sumalakay. Basta na lang papasok sa bahay nang may bahay kaya alisto ka, Alexis,” sabi ni Sir Nath.

Hindi na nakatiis si Alexis at sumagot. “Hindi naman basta sumasalakay ang ahas. Nanunuklaw lang ito kapag natatapakan at nasasaktan­.’’

“Tama ka pero ka­ilangan mo ring ma­ging mapagmatyag at baka meron kang matapakan lalo ang nasa damuhan. Baka bigla na lang may tumuklaw sa iyo.’’

Tumango lang si Alexis.

“Sige Alexis, ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo at aasikasuhin ko naman itong si Brenda. Mukhang uhaw na uhaw na ito, he-he-he!” sabi at tuma­likod na si Sir Nath. Ti­nungo si Brenda na noon ay nakadapa sa tuwalya.

Ipinagpatuloy ni Ale­xis ang paglilinis. Inalis niya ang mga damo na tumubo sa pagitan ng mga tiles. Pero habang ginagawa iyon ay lihim siyang sumusulyap sa ginagawa nina Sir Nath at Brenda.

Nakita niyang tina­bihan ni Sir Nath si Brenda sa pagkaka­dapa­ nito. Hinalikan ang likod. Gumapang hanggang sa batok. Nagpapaubaya naman si Brenda sa ginagawa ni Sir Nath. Parang tuwang-tuwa at nakikiliti pa si Brenda.

Nakakaramdam ng selos si Alexis sa ginagawa ni Sir Nath. Kailan kaya aalis ang “amoy lupa”? Sabi ni Brenda, tiyak aalis na naman ito para makipagkita sa babae nito.

Hindi mapakali si Alexis sa pagkakataong iyon. Sana, umalis na si Sir Nath.

MAKALIPAS ang ilang araw hindi pa rin umaalis si Sir Nath.

Palihim na kina­usap ni Alexis si Brenda.

“Hindi pa ba aalis ang ‘amoy lupa’?’’

“Hindi pa. Nagtataka nga ako.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(135)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with