^

True Confessions

Ahas sa Garden (134)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HUWAG kang maniniwala sa mga sasabihin sa iyo ni Nath, Alexis. Kunwari ay pagbabakasyunin ka pero ang totoo, sisipain ka na rito. Ma­niwala ka sa akin,” sabi ni Brenda na parang gigil na gigil.

“Kaya nga sabi ko, hindi ako magbabakasyon. Hindi na niya ako maloloko.’’

“Good boy! Ganyan nga, matuto kang lumaban. At kung magbabakasyon ka, paano ako? Sino ang makakasama ko rito e mas gusto kitang kasama kaysa sa amoy lupa.’’

“Isa pa nga yun kaya tumutol agad ako. Mas gusto ko rito, Brenda.’’

“Gusto mo na rin ako?’’

“Siyempre.’’

“’Yan ang gusto ko sa’yo, masunurin ka sa akin.’’

“Basta kung ano ang sabihin mo, susunod ako Brenda.’’

“That’s my boy!’’

Maya-maya nakita ni Brenda na papalapit na si Nath. Galing sa kitchen  si Nath at may dalang mer­yenda na nasa tray.

Mabilis na pinaalis ni Brenda si Alexis.

“Sige na ituloy mo na ang paglilinis mo at baka maha­lata pa tayo ni amoy lupa. Hintayin mo na lang ang utos ko.’’

“Oo Brenda!’’

Ipinagpatuloy ni Alexis ang pagwawalis sa paligid ng pool.

Habang nagwawalis, pa­sulyap-sulyap siya kina Sir Nath at Brenda. Sinusubuan pa ni Nath si Brenda. Saloob-loob ni Alexis, bait-baitan si Nath. Kunwari ay maamong tupa pero ang kalooban ay mabangis na tigre. Tama si Brenda, mahusay magbalatkayo si Nath. Magaling umarte. Pero naisip ni Alexis, hinding-hindi na siya malilinlang ni Nath.

Maya-maya pa, nakita ni Alexis na papalapit sa kanya si Nath. Ano kaya ang sasa­bihin? Baka ipagpipilitan na dapat ay magbakasyon siya sa probinsiya.

“Alexis, naisip ko na hindi ka nga dapat magbakasyon. Baka kapag nawala ka rito e may ahas na makapasok at dumayb sa swimming pool. Hindi ka na magbabakasyon. Tutal, yun naman ang gusto mo di ba?’’

Tumango si Alexis.

“Kung gusto mo, manood ka na lang ng sine kapag day-off mo. Para hindi ka naman naiinip. Mahirap din kasi ang puro trabaho. Kung gusto mo e maghanap ka ng tsik, he-he-he!’’

Napangiti ng lihim si Alexis. Nakakita na ako ng tsik! Magugulat ka na lang isang araw kung sino ‘yun!

“Ano Alexis, nagkaka­intindihan tayo?’’

Tumango lang si Alexis.

“Ingatan mo at baka may makapasok na ahas dito. Patayin mo agad kapag may nakita kang ahas!’’

Tumango si Alexis.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with