^

True Confessions

Ahas sa Garden (132)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGULAT si Alexis nang biglang lumapit sa kanya si Sir Nath.

‘‘Alexis, magpahi­nga ka naman! Kanina ka pa may ginagawa riyan ah. Magmeryenda ka muna.’’

Ngumiti lang si Alexis pero sa sarili niya ay naroon ang pagkainis sapagkat­ pakitang tao lamang iyon. Kunwari ay ma­bait pero ang totoo, balak na siyang si­ba­kin dito ayon kay Brenda. Sa panlabas ay maamong tupa pero ang kalooban ay mabangis na tigre. Humanda ka sa pagganti ko! Mas matindi pa ang igaganti ko!

‘‘Para kang lalong naging mahiyain, Ale­xis. Hindi ka naman ganyan dati. Mabuti siguro ay magbakasyon ka muna sa inyong probinsiya. Di ba nasa probinsiya na ang mga magulang mo at kapatid. Dalawin mo muna.’’

Hindi agad naka­sagot si Alexis sa alok ni Sir Nath. Ngayon lang ito nag-alok ng ga­nun. Hindi kaya bahagi iyon ng pagsibak sa kanya? Kunwari ay pagbabakasyunin siya pero ang totoo, sisibakin na siya. Pagbalik niya ay wala na siyang trabaho. Hindi! Hindi siya magbabakasyon. Kahit matagal na siyang hindi nakakauwi sa probinsiya, hindi siya kakagat sa bitag ni Sir Nath.

“Saka na lang Sir Nath. Hindi muna ako magbabakasyon.”

“Bakit? Bibigyan kita ng pamasahe.’’

“Wala pong mag-aasikaso ng pool. Baka maging marumi dahil sa laglag na mga dahon. Isa pa baka may ahas na namang makapasok dito.’’

Tinitigan siya ni Sir Nath. Matagal. Tila sinusuri siya at tinitimbang ang mga sinabi niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with