Ahas sa Garden(81)
“GALINGAN mo ang pagmasahe sa hita ko, Alexis!” sabi ni Mam Brenda na nakadapa.
Bantulot si Alexis. Naalala niya ang sinabi ni Manang na baka mahuli sila ni Sir Nath. Pero ano ang magagawa niya? Inuutusan siya ni Brenda.
“Sige na Alexis!’’
Kumilos si Alexis. Nilagyan niya ng lotion ang mga palad at saka dahan-dahang idinampi sa makikinis na hita ni Mam Brenda. Ang sarap hipuin ng hita. Napakakinis at napakalambot.
“Sige pa Alexis! Sige pa! Ahhhh! Sarap!’’
Pinagbuti ni Alexis ang pagmamasahe.
“Mahusay ka talaga, Alexis! Teka at titihaya ako. Itong harapang hita naman ang masahihin mo.”
Tumihaya si Brenda.
Minasahe ni Alexis ang harapang hita.
Lingid sa kanila, nanonood si Manang.
(Itutuloy)
- Latest