^

True Confessions

Ahas sa Garden(79)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGLATAG ng tuwalya sa ilalim ng punong mangga si Brenda at naupo muna roon. Inutusan si Alexis.

‘‘Kunin mo ang lotion sa lalagyan. Naroon sa bag ko sa gilid ng pool.’’

 Tinakbo ni Alexis ang bag at kinuha ang bag at mabilis na bumalik.

“Aba magaling na nga ang paa mo! Mabilis ka nang tumakbo, Alexis.’’

“Opo Mam Brenda, ma­galing na.’’

“Parang hindi ka nata­pilok sa bilis mong tumakbo.’’

Ngumiti lamang si Alexis habang hawak ang lotion. Naghihintay siya nang iuutos ni Brenda.

Napagmasdan niya ang magandang hita at binti ni Brenda sa pagkakaupo nito pero binawi agad niya ang tingin.

‘‘Masipag ka Alexis­. Lagi kang trabaho nang trabaho. Magkano ba ang suweldo mo rito?’’

“Tama lamang po. Okey lang po.’’

“Dapat sa’yo dinadagdagan ng suweldo. Baka kasi hindi na naaasikaso ni Babe ang suweldo mo dahil sa sobrang busy.’’

‘‘Okey lang naman po na hindi dagdagan. At saka nagkukusa naman po si Sir Nath.’’

‘‘Lagi kasing wala yun. Gaya ngayon, wala na naman at hindi ko alam kung kailan babalik. Naaasar na nga ako. Palagay ko meron nang kinahuhumalingan. Laging nangangako sa akin na isasama ako pero, hindi ginagawa. Pagnaasar ako, gagantihan ko siya…’’

Tahimik lang si Alexis. Napapansin nga niya na laging wala si Sir Nath. Sa loob ng 1 buwan ay 2 linggong nawawala o mahigit pa. Kaya siguro hindi na maitago ni Mam Brenda ang pagkainis. Pero siguro naman ay dahil sa trabaho kaya laging wala si Sir Nath. Ang alam niya, marami itong pag-aaring kompanya kaya laging busy. Madalas dumalo sa mga konperensiya.

“Kapag hindi pa tinupad ni Babe ang pangako na isasama ako sa out of town niya, humanda siya. Makikita niya kung paano ako magalit. Baka magsisi siya!” sabi pa ni Brenda at dahan-dahang ipinihit ang katawan para tumaob.

Nakatingin lang si Ale­xis at naghihintay ng utos. Talagang masama ang loob ni Mam Brenda kay Sir Nath.

Nang makataob na si Brenda ay inutusan si Alexis.

‘‘Sige Alexis, pahiran mo na ang likod ko. Gaya nang ginawa mo nung nakaraan. Masahehin mo na tuloy para guminhawa ang pakiramdam ko at maalis ang nararamdaman kong galit kay Babe.’’

“Opo Mam.’’

Lumuhod si Alexis sa tabi ni Brenda naglagay ng lotion sa palad. Saka dahan-dahang pinahiran ang likod ni Brenda. Minasahe niya.

‘‘Ahhhh, sarap!’’ sabi ni Brenda.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(79)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with