Ahas sa Garden (75)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

“BILISAN mo ang pag­lilinis at maliligo ako mamaya!” sigaw ni Brenda mula sa bintana.

“Opo!” sagot ni Manang at inumpisa­hang sagapin ang mga nakalutang na dahon ng mangga sa swimming pool. Ma­raming dahon ang nakalutang.

Habang sinasagap ay bubulung-bulong si Manang. Lalong nadagdagan ang inis niya kay Brenda na kung makaasta ay akala mong siya ang reyna sa mansion.

Sampid lang naman dito pero kung makapag-utos ay akala mo’y siya ang orihinal na maybahay. Kung makasigaw ay akala mo siya ang nagpapasuweldo. Wala na talagang hihigit pa kay Mam na napakabait at walang ma­ririnig man lang na pagmumura. Bakit kaya siya pa ang kinuha gayung marami naman ang mga may masasamang ugali?

Mabigat na mabigat ang kalooban ni Manang habang sinasagap ang mga nakalutang na dahon. Habang ginagawa iyon, nag-iisip siya ng paraan kung paano magagantihan si Brenda.

Lagyan ko kaya ng ahas ang pool na ito?     (Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with