Ahas sa Garden (52)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - February 21, 2019 - 12:00am

INILATAG ni Brenda ang katawan sa gilid ng swimming pool. Tinamaan ito nang hindi pa kainitang araw. Tamang-tama lamang ang kagat sa balat. Ibig marahil ni Brenda na maging kayumanggi ang balat. Maputi si Brenda at makinis.

Hindi naman ma­ka­tingin si Alexis sa naka­latag na katawan ni Bren­da. Ayaw naman niyang umalis sapagkat sinabihan siyang manatili lamang doon. Baka may iuutos si Brenda kaya ka­ila­ngan ay nakabantay siya. Sino naman siya para suwayin ang utos nito. Kaya, nakatayo lang siya sa di-kalayuan.

Lingid kay Alexis at Brenda, sinusubaybayan pala sila ng maid na si Manang. Nakasilip sa bintana si Manang at pinagmamasdan ang ginagawa ni Brenda. Nakita niyang nakahiga ito sa gilid ng pool at nagpapaaraw.

Umasim ang mukha ni Manang habang nakatingin sa naka-two piece bikini na si Brenda. Nabuhay na naman ang inis o galit niya kay Brenda. Hindi talaga niya magugustuhan ang babaing ito. Ito ang dahilan kaya nalimutan nang ganap ni Sir Nath ang mabait na asawa na isang taon pa lang na namamayapa. Dahil sa babaing ito kaya nabago ang pananaw ni Sir Nath at lahat nang magandang alaala ni Mam ay nawala na.

Pati na rin ang mga paboritong orchids ni Mam ay unti-unti na ring nawawala. Nawalan ng puwesto ang mga mamahaling orchids ni Mam na matiyagang ina­lagaan noon. Itinayo ang swimming pool at nawalan ng space ang orchids. Tiyak na ang malanding babae ang nag-udyok kay Sir Nath na magpagawa ng swimming pool.

Dahil sa Brendang ito kaya ang relasyon ni Sir Nath sa mga anak na nasa ibang bansa ay nasira. Mas mahalaga na ngayon kay Sir Nath ang babaing ito kaysa sa mga anak.

Nang muling sulyapan ni Manang si Brenda, nakita niyang ibinubuka pa nito ang mga hita na parang inihahain kay Alexis na nasa di-kalayuan.

“Napakalandi ng Brendang ito. Walang ka­sing landi!” naibulong ni Manang.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with