Ahas sa Garden(51)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

HINDI makatingin nang deretso si Alexis nang hubarin ni Brenda ang bathrobe at malantad ang magandang katawan nito. Hindi siya makakilos sapagkat sinabihan siyang manatili sa kinatatayuan at panoorin daw siya sa paglangoy. Wala siyang magawa kundi sundin ang utos ni Brenda.

“Panoorin mo ako kung paano luma­ngoy, Alexis!’’

Pumuwesto sa gilid ng pool si Brenda. Pumorma sa pagdive. At saka biglang bumulusok sa asul na tubig ng pool. Malinis na mali­nis ang pag-dive. Swak na swak! Mahusay si Brenda. Saan kaya ito natutong lumangoy. At kaya siguro maganda ang katawan nito ay dahil sa paglangoy.

Nang lumutang si Brenda ay sisinghap-singhap. Umakyat ito sa pool. Naupo sa gilid ng pool habang nakalawit ang dalawang paa sa tubig.

“Okey ba ang pag-dive ko Alexis?’’

“Okey po Mam.’’

“Thanks.’’

Maya-maya, nagbilad sa arawan si Brenda. Nahiga sa nakalatag na towel. Hindi makatingin si Alexis.

(Itutuloy)

AHAS SA GARDEN(51)
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with