Ahas sa Garden (50)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2019 - 12:00am

“BAKIT po Mam?’’ tanong ni Alexis kay Brenda na noon ay nasa bintana.

“Linisin mo ang swimming pool at maliligo ako!’’

“Malinis na po Mam. Kanina ko pa po ito nililinis.’’

“Nilagyan mo ng chlorine?’’

“Opo. Kanina pa po.’’

“Okey, sige.’’

Nawala sa bintana si Brenda.

Ipinagpatuloy ni Alexis ang paglilinis. Sinigurado niyang walang makikitang dumi sa pool si Brenda. Mukhang metikuloso ito. Baka pag may nakitang dumi e magsumbong kay Sir Nath.

Talagang wala si Sir Nath dahil siya lamang ang maliligo. Siguro nga, may mahalagang pinuntahan si Sir Nath. Baka nasa Baguio o Davao. Bakit kaya hindi isinama ni Sir si Brenda?

Nang masigurado na wala nang dumi ang pool, nagpahinga sa lilim ng Indian mango si Alexis. Mag-aalas otso na ng umaga. Bababa na siguro si Brenda para maligo. Kahapon, alas otso ito bumaba at naligo.

Hindi niya panonoorin si Brenda habang nagsu-swimming. Kapag duma­ting ito, aalis siya. Magtutungo siya sa garahe at lilinisin ang kotse ni Sir Nath. Kahit malinis pa ang kotse, lilinisin uli niya para may magawa lang siya at hindi nakababad sa may swimming pool kung saan naliligo si Brenda.

Maya-maya pa, duma­ting na si Brenda. Naka-bathrobe.

“Alexis, malinis na malinis na ba itong pool?’’

“Opo.’’

“Good!’’

Humakbang si Alexis.

“Diyan ka lang, Alexis. Panoorin mo ako kung paano lumangoy,” at nag­hubad ng roba.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with