Ahas sa Garden (49)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

HABANG isinasalba ni Alexis ang mga kinawawang orchids ay iniisip niya kung bakit nag-iisa si Brenda sa paliligo sa swimming pool. At napansin niya na malungkot si Brenda. Saglit lang nag-swimming at nagbabad sa araw at umalis na agad. Parang walang gana si Brenda. Baka biglang umalis si Sir Nath dahil sa trabaho. Ang alam niya, maraming negosyo si Sir Nath at madalas ay nagpupunta sa Baguio at Davao. Ang alam niyang negosyo ni Sir Nath ay imprenta na gumagawa ng magazine na glossy ang pabalat. Nag-iimprenta rin ng mga brochures, kalendaryo at mga pang-insert na printed materials. Nalaman niya iyon sa kanyang ama na matagal ding na­ging trabahador ni Sir Nath. Ang imprenta ang unang negosyo ni Sir Nath at nagpayaman umano rito. Pero sabi ng kanyang ama talagang mabait si Sir Nath. Kaya nga ang paalala ng kanyang ama, laging sundin ang ipinag-uutos ni Sir Nath at huwag gagawa nang masama laban dito. Sinusunod naman niya ang mga paalala ng kanyang ama. Ayaw niyang makagawa nang hindi ikagugusto ni Sir Nath. Maglilingkod siya nang tapat kay Sir Nath.

Napansin ni Alexis na nanunuyo na at nalalanta na ang orchids. Siguro’y dahil sa biglang pagkakalipat ng lugar. Ang alam niya, ayaw ng orchid na natatagtag ang katawan. Kawawa naman ang mga halaman na matagal na inalagaan ng namayapang asawa ni Sir Nath na kung tawagin ni Manang ay si Mam. Kolek­siyon umano ni Mam ang orchids na kung saan-saan pang lugar sa Pilipinas binili. Sayang ang mga nagastos sa mga halamang ito na nawalan nang tamang tirahan dahil sa itinayong swimming pool. Hula ni Manang, si Brenda ang nag-udyok kay Sir Nath para itayo ang swimming pool at dahil dito, nawalan ng puwesto ang orchids ni Mam. Kaya nag-iisip nang paraan si Manang kung paano mapapaalis si Brenda rito. Hindi raw siya titigil hangga’t hindi napapaalis ang sa tingin niya ay malanding si Brenda.

Naisip naman ni Alexis, paano kung malaman ni Sir Nath ang balak ni Manang at siya ang paalisin dito. Mawawalan siya ng trabaho. Napakaganda na ng trabaho niya na dala­wang tao lang ang pinagsisilbihan at malaki pa ang suweldo. Kapag Pasko ay may bonus at 13th month pay pa. Saan siya makakakuha ng ganitong trabaho.

Naisip pa ni Alexis, siguro ay dapat siyang dumistansiya kay Manang at baka pati siya ay ma­damay. Hindi muna siya didikit kay Manang. Basta trabaho lang siya nang trabaho rito sa garden.

 

KINABUKASAN, ma­agang nililinis ni Alexis ang swimming pool nang bigla niyang marinig ang tawag ni Brenda mula sa bintana. Napatigil siya sa ginagawa.

“Alexis! Alexis!’’

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with