Ahas sa Garden(48)
Ahas sa Garden(48)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

HALOS hindi kumukurap si Alexis habang nakatingin sa nakalatag na katawan ni Brenda. Napakaganda talaga ni Brenda. Sa pagkakahiga nito ay wala siyang makitang kapintasan sa katawan. Perpekto. Flat na flat ang puson. Tamang-tama ang umbok ng mga dibdib. Makinis na makinis ang kutis. Naalala niya nang buhatin ito dahil natakot sa ahas. Nasapo niya nang ayos ang mga hita nito. Nasanggi niya ang dalawang “boobsie”. Hindi niya malilimutan ang pangyayaring iyon. Sa unang pagkakataon ay nakahawak siya ng babae.

Napahinga nang malalim si Alexis makaraang imadyinin ang nangyari. Kailan kaya mauulit iyon?

Maya-maya, nakita niyang tumayo si Brenda. Dinampot ang bathrobe na suot kanina at saka isinuot. Humakbang ito papasok sa loob ng mansion. Tapos nang mag-swimming si Brenda. Napakabilis naman! Napahinga uli si Alexis nang malalim.

Nang masigurong nakapasok na sa loob si Brenda, lumabas na si Alexis sa malagong orchids.

Lilinisin uli niya ang pool. Baka si Sir Nath naman ang maliligo mamaya. Kailangang malinis na malinis ito bago pa duma-ting si Sir Nath.

Pero lumipas ang mag­hapon, hindi naligo si Sir Nath. Wala siguro ito. Baka may dinaluhang   ma­halagang conference.

Matapos linisin ang pool, inatupag naman niya ang mga kinawa-wang orchids. Sayang ang mga ito! Mamahalin pa naman.

(Itutuloy)

AHAS SA GARDEN(48)
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with