Ahas sa Garden (47)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2019 - 12:00am

NAGTATAKA si Alexis kung bakit walang ka­sama si Brenda sa paliligo sa swimming pool. Nasa ilalim nang makapal na orchids si Alexis at pinagmamasdan si Brenda. Nakatayo ito sa gilid ng pool at pumuporma para dumayb. Naka-two piece black bikini at kitang-kita ang kurbada ng katawan. Lutang na lutang ang ka­putian sa suot na bikini. Maliwanag niyang naki­kita si Brenda mula sa pinagkukublihan dahil wala pang gaanong sikat sa bahaging iyon ng pool.

Baka naman tulog pa si Sir Nath kaya walang kasama si Brenda. Ma­aaring susunod na lamang si Sir Nath sa paliligo.

Pero ilang minuto na ang nakararaan ay wala pa rin si Sir Nath. Baka mayroon na namang pinuntahan. Madalas ay sa Baguio nagpupunta si Sir Nath para dumalo sa seminar.

Pinanonood na lamang ni Alexis si Brenda. Nakita niyang nakapuwesto na ito sa gilid at pumupormang magdadayb. Sanay din pala sa languyan si Brenda. Kaya nga siguro nagpagawa ng pool si Sir Nath ay dahil kay Brenda. Marunong itong lumangoy at libangan ang swimming. Maaaring tama ang kutob ni Manang.

Lalong gumanda ang kurbada ng katawan ni Brenda nang pumorma na ito sa pagdayb.

Sa isang iglap, dumayb ito. Swak na swak! Malinis na malinis ang pagbagsak sa tubig. Nakita niya ang pagsisid.

Maya-maya ay lumutang sa kabilang dulo. Suminghap.

Ilang sandali at umakyat. Muling pu­morma sa gilid. Dumayb uli. Malinis na malinis. Mahusay talaga.

Nang umahon, na­higa ito sa gilid ng pool. Nagbilad sa araw. Kitang-kita niya ang kabuuan ni Brenda habang nakalatag. Ganda talaga!

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with