^

True Confessions

Ahas sa Garden(45)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MATATAPOS nang sagapin ni Alexis ang mga dahon na nalaglag sa swimming pool nang biglang du­mating si Manang. Hula ni Alexis, sasa­gap ng tsismis si Ma­nang. Wala naman itong makukunan ng inpormasyon kundi siya. Kahit na alam niyang naiinis sa kanya si Manang dahil kay Brenda na kinakampihan daw niya, hindi rin ito makatiis na hindi siya lapitan.

“Dumami ang trabaho mo, Alexis!’’

“Okey lang po, Manang.’’

“Bakit mo nilili­ni­san ‘yan?’’

“Maliligo sina Sir Nath at Brenda mamaya. Kailangan, malinis na malinis na ito bago sila magising.’’

“Dahil sa swimming pool na ‘yan kaya ang mga orchids ni Mam ay kung saan-saan na lang nailagay. Kawawa naman ang orchids! At alam ko, ang ma­landing si Brenda ang may kagagawan kaya nabalewala ang orchids. Inuto niya si Sir Nath na magtayo ng swimming pool. Di ba tama ako, Alexis?’’

Hindi sumagot si Alexis. Hahayaan na lang niyang magsalita si Manang.

“Hindi ako maa­aring magkamali, si Brenda ang dahilan kaya na­itayo ang pool na ito.’’

Patuloy lang sa pag­sagap ng iba pang dumi si Alexis.

“Bakit ayaw mong magsalita, Alexis?’’

Hindi nakatiis si Alexis.

“Ano naman ang sasabihin ko, Ma­nang?’’

“Kasi’y parang okey lang sa’yo ang lahat.’’

“Wala kasi akong magagawa, sila ang may-ari.’’

“Gusto mo rin kasi na may swimming pool para lagi mong nakikita ang paliligo ng malandi!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(45)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with