^

True Confessions

Ahas sa Garden (43)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGKANDAHABA ang leeg ni Alexis sa pagsilip sa nangyayari kina Sir Nath at Brenda sa swimming pool.

Pero nadismaya siya sapagkat nilamon na ng tubig ang dalawa. Nasa ilalim na ang dalawa at doon may ginagawa.

Hindi mapakali si Ale­xis. Alam niyang mali ang ginagawang paninilip sa amo at kinakasama nito pero wala siyang magawa dahil inabot siya rito sa garden. Akalain ba niyang may gagawin palang kakaiba ang dalawa sa bagong gawang swimming pool. Ang alam niya, maliligo lang ang mga ito. Yun pala iba ang dadaybin ni Sir Nath!

Hindi na niya magawang makaalis sa kinakukublihan at baka bigla siyang makita ni Sir Nath. Baka biglang lumutang ang dalawa at sitahin siya. Hindi niya alam ang takbo ng utak ni Sir Nath lalo pa’t kasama si Brenda.

Ipinasya na lamang ni Alexis na mamalagi sa ki­na­kukublihang pantay ta­ong orchids. Saka na lamang siya lalabas dito kapag tapos na ang dalawa sa ginagawa.

Maya-maya ay nakarinig ng kulabsaw si Alexis.

Lumutang na sina Sir Nath at Brenda.

Dinig na dinig niya ang pagsinghap.

Maya-maya pa, narinig­ niya ang pag-uusap ng mga ito.

“Okey ba Babe?’’ tanong ni Sir Nath.

“Grabe ka Babe! Grabeeee kaaaa!’’

“Akala mo ‘di puwede ha?’’

“Hanga na talaga ako sa’yo Babe!’’

“Ikaw lang e, wala ka pa ring bilib sa akin.’’

“Meron na ngayon, Babe, ha-ha-ha!’’

“Lumubog uli tayo gusto­ mo?’’

“Ay sobra ka, baka mapasukan ng tubig ang ….ha-ha-ha!’’

“Hindi papasukan  yan. Maniwala ka.”

“Bukas naman!’’

“Sige.’’

“Halika umahon na tayo Babe. Nagugutom na ako.’’

Kumilos sila para umahon.

Samantala, walang ka­kilus-kilos si Alexis sa pinagkukublihan.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with