^

True Confessions

Ahas sa Garden (21)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KAKAIBANG babae si Brenda. Bigay na bigay. Wala nang kung anu-ano pang kaek-ekan sa katawan. Ginagawa ang lahat para lubusang lumigaya ang minamahal. Hindi katulad ng ibang babae na kailangan pang sabihan na ito o ganun ang kailangang gawin. Basta kakaiba si Brenda at iyon ang labis na ikinagusto rito ni Nath. Kaya nga kahit malaki ang pagtutol ng kanyang dalawang anak kay Brenda, hindi siya nagpatalo sa mga ito. Siya ang masusunod sapagkat siya naman ang makikisama rito. May karapatan din naman siyang lumigaya. At isa pa, nagkagusto siya sa ibang babae makaraang mamatay ang kanyang unang asawa. Hindi siya nagtaksil dito. Kaya wala siyang ginagawang mali sa pakikisama kay Brenda.

Gaya ngayon, hindi na niya kailangan pang atasan si Brenda sa mga gagawin. Kahit nga saang lugar, gagawin ni Brenda ang lahat para siya mapaligaya --- kahit pa nga rito sa salas. Ha-ha-ha! Ibang klaseng babae si Brenda. Bihirang makatagpo ng ganito.

Pero ang hindi alam nina Nath at Brenda, habang may ginagawa sila, may isang anino na nanonood sa kanila. Kitang-kita ng sumusabaybay na anino ang bawat galaw ng dalawa. Hindi humihiwalay ng tingin. Ni hindi kumukurap sapagkat maaaring makatakas ang maganda at libreng panoorin na iyon. Hindi dapat masa-yang ang pagkakataon.

Hanggang matapos ang panoorin.

Humihingal si Nath. Si Brenda ay nakangiti lang.

“Na-miss mo talaga ako, Babe! Grabe ka talaga!’’

“Gusto ko lagi kang masiyahan Babe.’’

“Kaya naman mahal na mahal kita.’’

“Halina sa kuwarto, Babe. Mayroon pang part 2.’’

Napangiti nang todo si Nath.

Nagtungo na sila sa bedroom. Mabilis din namang na­wala ang anino na na­nonood sa kanila kanina. Nawalang parang bula.

 

KINABUKASAN, dakong alas otso ng umaga, maagang nagising si Nath.

Nakatanaw siya sa bintana. Nakita niyang nagtatrabaho na si Alexis sa garden. Dinidilig niya ang mga gulay.

Hanggang maalala  niya ang ahas na nakita sa garden. Nakita na kaya iyon ni Alexis?

Nang magising si Brenda.

“Babe, nalimutan kong sabihin sa iyo na huwag kang pupunta sa garden.’’

“Bakit Babe?’’

“Mayroong ahas dun!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with