^

True Confessions

Ahas sa Garden (18)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NASAAN ang ahas! Baka kagatin ako ng ahas, Alexis!” sabi ni Brenda at isiniksik pang lalo ang kata­wan kay Alexis.

 

Hindi naman malaman ni Alexis ang gagawin sapagkat nakadikit na nang todo sa kanya ang katawan ni Brenda. Halatang takot na takot ito nang malamang may ahas sa paligid.

“Baka kagatin ako ng ahas, Alexis! Diyos ko ba’t ba ako pumunta rito!’’

“Teka po Mam! Teka po!’’

“Baka nasa paanan ko ang ahas ay matuklaw ako!’’

“Wala po! Hindi ko nga po makita kung na­saan. Ilang araw ko nang hinahanap ang ahas pero hindi ko makita.’’

“Paano ako aalis dito? Baka bigla akong tuklawin kapag humakbang ako.’’

“Hindi po. At saka hindi po makamandag ang ahas. Tulog na ahas po yun.’’

“Kahit pa tulog na ahas, ahas pa rin yun! Buhatin mo ako hanggang dun sa may pinto. Ayaw kong maglakad at baka tuklawin ako. Baka nandiyan lamang ang ahas sa tambak ng mga damo.’’

Bantulot si Alexis sa pinagagawa ni Brenda. Unang pagkakataon na mayroon siyang bubuhatin na babae.

“Buhatin mo ako Alexis!’’

“Opo Mam! Opo!’’

Binuhat ni Alexis si Brenda. Parang sanggol na kinarga. Ka­yang-kaya ni Alexis. Habang karga, nadarama niya ang lambot ng katawan ni Brenda. Nasasagi ng kamay niya ang malalaking “boobsie” nito. Walang bra si Brenda. Pati ang makikinis na hita ay damang-dama niya.

Mabilis na narating nila ang pintuan. Da­han-dahang ibinaba ni Alexis si Brenda.

“Salamat, Alexis. Ta­lagang takot na takot ako sa ahas!’’

“Wala pong anuman, Mam.’’

“Sige ituloy mo na ang paghanap sa ahas.’’

Tumalikod na si Alexis.

Pumasok na si Brenda sa loob.

Pagpasok, nakita niya si Manang.

Parang nagtata­nong ang mga mata ni Manang.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with