^

True Confessions

Ahas sa garden (17)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAINIP si Brenda kaya lumabas at nagtungo sa garden sa likod ng bahay. Ilang buwan na rin naman siya sa mansion na ito pero hindi pa nali­libot ang paligid. Gusto niyang makita ang garden at tatanungin na rin si Alexis kung ano ang hinahanap nito.

Malayo pa ay natanaw na niya si Alexis na abala pa rin sa paghahanap. Hinahalungkat ang mga halamang gulay.

Dahan-dahan siyang lumapit sa nakatalikod na si Alexis. Pawisan ang maskuladong likod nito. Nangingintab sa pawis.

“Alexis!”’ tawag niya.

Nagulat si Alexis. Magugulatin pala ito.

“Mam!’’

“Para kang nakakita ng ahas!’’

“A e kasi po’y…”sabing kumakamot sa ulo. Napasulyap ito sa magaganda at mahubog na legs ni Brenda. Naka-shorts lang si Brenda.

‘‘Anong hinahanap mo?’’

‘‘Ahas po Mam!’’

‘‘Ahas? Anong ahas?’’

‘‘Ahas na tulog po. Pi­nahahanap po sa akin ni Sir Nath.’’

‘‘Diyos ko! May ahas dito? Baka kagatin ako.’’

“Hindi ko nga po ma­kita. Nagtago po.’’

“Diyos ko.’’

Napasiksik si Brenda kay Alexis.

Parang matutuyo ang laway ni Alexis sa pagsiksik ni Brenda. Dama niya ang katawan nito. 

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with