^

True Confessions

Ahas Sa Garden(16)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

LIHIM na pinagmamasdan ni Brenda si Alexis na noon ay abalang-abala sa paghahanap ng ahas sa ilalim nang malagong mga gulay. Nagtataka si Brenda kung ano ang hinahanap ni Alexis. Kanina pa ito hanap nang hanap. Ayaw naman niyang tawagin para magtanong. Pinanood na lang niya. Pawisang-pawisan ang likod ni Alexis. Maganda ang hubog ng katawan ni Alexis. Halatang banat na banat sa trabaho. Halatang ma­titigas ang muscle.

Sabi ni Nath ay mga 20-anyos na si Alexis. Tamad daw itong  mag-aral kaya sa pagga-garden na lamang nabuhos ang atensiyon. Balak yatang pag-aralin ni Nath pero ito na ang tumanggi dahil wala raw nalalaman. Ayaw daw pumasok sa isip ang tinuturo ng teacher. Sabagay, mayroon ngang ganun. Kahit anong gawing pag-aaral ay walang pumapasok sa kukote. Sayang, guwapo pa naman.

Napahinga nang mala­lim si Brenda. May siyota na kaya ang Alexis na ito? Sa tipo ay parang wala pa dahil parang aanga-anga pa. Dahil siguro sa kawalan ng talino kaya parang mahiyain. Sayang talaga ang ka­guwapuhan.

Napahinga uli nang malalim si Brenda.

Saka umalis na sa bintana at lumabas ng silid. Nagugutom na siya. Baka naghihintay na ang breakfast niya sa ibaba. Ayaw naman niyang magpahatid ng breakfast at baka sabihin ni Manang na masyado na siyang donya mula nang tumira rito sa mansiyon.

Nakahanda na nga ang breakfast nang bumaba siya. Wala si Manang sa dining room. Baka nagla­laba.

Kumain siya. Wala siyang gana. Kapag nag-iisa, nawawalan siya ng gana.

Naisipan niyang magtungo sa likod ng bahay --- sa garden kung saan may ginagawa si Alexis.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(16)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with