^

True Confessions

Ahas sa Garden(13)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HINANAP ni Alexis sa ilalim nang malagong ampalaya ang ahas. Itinaas niya ang nakayungyong na mga dahon at bunga.

Wala siyang nakita!

Napakabilis magtago ng ahas!

Palibhasa’y maliit kaya mabilis magtago. Baka nasa pagitan ng mga tipak ng lupa.

Inalis niya ang bunton ng lupa.

Wala talaga!

Lumapit si Sir Nath na tila hindi mapakali hangga’t hindi nahuhuli ang ahas.

“Ano Alexis, nakita mo ba ang ahas?’’

“Hindi po Sir Nath!’’

“Hanapin mong mabuti. Kahit hindi poisonous yun, nakakapag-alala rin.’’

“Hahanapin ko po. Na-rito lang po yun.’’

“Nag-aalala ako na baka magtungo rito sa garden si Babe e makita ang ahas at magsisigaw. Ayaw kong matatakot siya. Alam mo naman ang mga babae masyadong matatakutin.’’

“Hahanapin ko po nang todo. Baka po nasa pa-gitan ng mga lupa.’’

“Ano bang pangalan  ng ahas na yun?’’

“Ahas na tulog po.’’

“Meron palang ahas na tulog.’’

“Meron po Sir. Wala pong kamandag ang ahas.’’

Pero kahit na walang kamandag, hulihin mo. Huwag mong papatayin at bawal pumatay ng ahas ngayon. Magagalit ang DENR.’’

Napatango na lang si Alexis. Hindi niya alam kung bakit bawal pumatay ng ahas. (Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(13)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with