Sadiq (188)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - December 24, 2018 - 12:00am

NALAMAN ni Sadiq na hindi lamang pala si Nora sa mga natulungan nila ni JayR ang naging successful at naka-penetrate sa mga mall. Kapag nakapasok sa food court ng mall ang isang business, maituturing na bigatin.

Sa pag-iikot ni Sadiq sa food court ng isang sikat na mall, nakita niya ang PIZZARAP na ang may-ari ay isa ring ex-OFW. Makaraang su­ma­­ilalim sa seminar na kanilang ibinigay ni JayR, sumabak na ang OFW na nagngangalang Freddie. Sabi niya noong nag-attend ng seminar, may background na siya sa pizza business dahil nag­trabaho siya sa isang sikat na pizza house. Kabisado na raw niya ang lahat ukol sa pizza making. Ang kulang na lang daw sa kanya ay ang tamang pagpapaikot sa pondo at paano maima-manage nang husto ang business.

Tinuruan nila ni JayR si Freddie ng mga tamang gagawin. Binigyan ng mga tips at kung anu-ano pang mga gabay. Kung ano ang tinuro nila sa iba pang ex-OFW, ganundin kay Freddie. Gusto nila ni JayR na kung ano ang nalaman ng isa, dapat ganundin ang lahat. Lahat ay gusto nilang maging successful sa papasuking negosyo.

Pero mayroon siyang naging puna kay Freddie. Hindi ito marunong magpasalamat. Kahit katiting na “thank you” ay wala silang narinig ni JayR mula kay Freddie.

At kung ang ibang tinulungan nila --- gaya nina Pakito at Nora ay pinupuntahan siya sa bahay o tumatawag at nagte-text para magpasalamat, si Freddie ay hindi. Wala itong naalala at tila nagka-amnesia.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with