^

True Confessions

Sadiq (174)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG makaalis ang mga nagseminar, nasisiyahan namang nagkuwentuhan sina Sadiq at JayR. Nadarama nila ang matinding kasiyahan dahil nakatulong sa mga ex-OFW na gustong magnegosyo. Natupad nila ang adbokasiya na makatulong sa mga OFW.

“Ang dami mo nang natulungan Sadiq, aapaw na naman ang suwerte sa iyo.”

“Ako lang ba? Siyempre aapaw din ang su-werte sa iyo dahil parehas lang naman tayo na may magandang layunin para sa tulad nating OFW.’’

“Pero alam mo, mas maganda sana kung wala nang Pinoy na mangi-ngibang bansa para magtrabaho. Mahirap ang mapalayo sa pamilya. Dahil sa pagkakalayo, may mga nasisira ang pagsa­sama, may mga anak na nalululong sa bisyo dahil wala ang ama o ina. Sana, wala nang magtatrabaho sa ibang bansa para laging magkasama ang pamilya.’’

“’Yan din ang wish ko JayR. Sana dumating ang panahon na wala nang mag-aabroad para magtrabaho. At palagay ko mangyayari lamang ‘yan kung maraming pagkakakitaan dito sa ating bansa. At tama lang ang ating ginagawa na turuan ang mga dating OFW na maging entrepreneur para mara-ming pagkakakitaan dito. Kapag marami nang pagkakakitaan dito, sino pa ang pupunta sa ibang bansa. Kaya magpursigi pa tayo makapagturo sa mga OFW para hindi na sila umalis.’’

“Kasama mo ako Sadiq sa iyong advocacy. Magtutulungan tayo hanggang sa wakas.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with