^

True Confessions

Sadiq(171)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAISIP ni Sadiq, kulang pa ang mga natulungan niyang retired OFW na pumasok sa negosyo. Target niya na maraming matulungan para naman magkaroon din nang magandang buhay ang mga nagpakahirap sa pagtatrabaho sa ibang bansa lalo na ang mga nasa Saudi Arabia at iba pang bansa sa Middle East.

Alam ni Sadiq na maraming OFW ang mu­ling nagbabalik sa Saudi at iba pang bansa makaraang maubos ang re­tirement pay. Ang iba, hindi nagtagumpay sa negosyo sapagkat hindi nakapagplano. Hindi rin napag-aralan muna ang pinasok na business. Ma­raming pumalpak sapagkat nakigaya lang ang iba. Mayroong nagnegosyo ng lechong manok pero walang kaalaman ukol dito. Nakiuso lang kaya walang narating ang negosyo.

Ang nakakaawa ay ang ibang tumanda na sa pagsa-Saudi at ang perang­ nakuha sa pagreretiro ay inilagay lahat sa negosyong wala siyang kamuwang-muwang. Ang resulta, naubos lang ang pinaghirapan. Hindi na natuto na dapat huwag ila­lagay sa isang basket ang lahat nang itlog. I-distribute ang itlog at huwag itotodo sa isang lalagyan.

Kaya malaki ang pagnanais ni Sadiq na ma­imulat ang mga OFW sa tamang pagsisimula sa negosyo.

ISANG araw, isang lalaki ang tumawag kay Sadiq. Kararating lang daw ng OFW mula Saudi­. Humihingi ito ng tulong sa pagsisimula ng negosyo. Mayroon na raw siyang puhunan pero natatakot siyang magsimula.

“Mag-attend ka ng se­minar. Pumunta ka rito sa bahay ko,” sabi ni Sadiq.

Tuwang-tuwa ang lalaki.

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(171)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with