^

True Confessions

Sadiq(170)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NADAKO ang usapan nina Sadiq at JayR sa mga dati nilang kasamahan sa Saudi na natulungan nilang magtayo ng negosyo.

“Asensado na rin si Pakito, ano JayR?’’

“Oo. Nagkita nga pala kami noong bago ako ikasal at inimbitahan siya. Hindi raw siya makakara-ting dahil mayroong affair ang anak niya. Pero nasabi niyang asensong-asenso ang kanyang itina-yong lugawan. Mayroon na rin daw siya sa mall.’’
“Galing ano?’’

“Dahil daw sa’yo kaya siya nagkaroon ng lakas ng loob na magnegos­yo.”

“Tayong dalawa ang tumulong sa kanya, JayR.’’

“Mas nakatulong ka Sadiq kaya ganun na lamang ang pagkilala sa’yo.’’

“Sino pa nga bukod kay Pakito ang natulungan natin?’’

“Si Domeng! Siya yung tahimik nating kasamahan na kung hindi mo kausapin ay hindi magsa­salita. Asensado na rin siya. Motorcycle parts naman ang pinasok niyang business sa probinsiya nila. Nasuwertehan nila dahil siya lamang ang may ganoong business doon.’’

“Salamat naman at may natulungan tayo.’’

“Gusto mo mag-conduct uli tayo ng seminar para sa mga OFW na gustong maging entrepreneur. Ang kunin nating magsasalita ay sina Pakito para magbigay ng inspirasyon. Kung sila ang magsasa-lita, makatotohanan dahil naranasan nila mismo.’’

“Tama ang sinabi mo, JayR. Sige mag-conduct tayo ng seminar sa pagtatayo at pagma-manage ng negosyo at imbitahin natin sina Pakito at Domeng.’’

“Sige kontakin ko sila. Ako ang bahala sa venue, Sadiq.’’

“Salamat, JayR.’’

DESIDIDO si Sadiq na makatulong sa mga OFW na nagbabalak magtayo ng business. Alam niya ang saloobin ng mga OFW (lalo na ang matagal na sa Saudi) at nagbabalak nang mag-retiro pero walang alam sa negosyo. Gusto niyang makatulong sa mga ito kahit sa kaun-ting paraan.

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(170)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with