^

True Confessions

Sadiq (154)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAMATAY si Itay habang nasa Saudi ako. Hindi ko man lang siya nayakap. Sana ay nakauwi agad ako noong siya ay nagkasakit. Pero hindi ko nagawa iyon dahil ang akala ko, gaga­ling na siya. Kung alam ko lang na mamamatay na siya sana ay umuwi agad ako. Sising-sisi ako!’’ pagkukuwento ni JayR kay Bela.

Nabagbag ang kalooban ni Bela sa kinuwento ni JayR. Sa tingin niya, sinisisi ni JayR ang sarili dahil hindi agad nakauwi mula Saudi.

“Pero ginawa mo naman ang lahat di ba JayR. Hindi ka rin naman nagkulang. Hindi mo dapat sisihin ang sarili.’’

“Nakokonsensiya kasi ako na hindi agad nakagawa ng paraan gayung pupuwede naman.’’

“Para sa akin, hindi mo dapat sisihin ang sarili. Wa­lang may kasalanan kaya nangyari iyon.’’

Napahinga nang malalim si JayR.

“Ang Inay mo, kumusta na­man siya ngayon?’’

“Mabuti naman. Inaala­gaan kong mabuti sapagkat ayaw ko nang matulad kay Itay. Awa naman ng Diyos ay malakas ang pangangatawan niya. Siya ang kasama ko ngayon sa bahay. Ayaw niya sa kapatid kong babae. Mas gusto raw niya akong kasama at napapanatag ang loob niya.’’

“Anong age na niya ngayon?’’

“Mahigit 80 na siya.’’

“Tatagal pa ang buhay niya dahil inaalagaan mong mabuti.’’

“Sana nga para naman makita niya ang magiging manugang niya.’’

Napangiti si Bela.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with