^

True Confessions

Sadiq (151)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BELA, si JayR! JayR si Bela!” pagpapakilala ni Gina sa da­lawa.

“Glad to meet you, Bela,” sabi ni JayR at kinamayan si Bela. Malambot ang palad ni Bela.

“Sige kumain na muna tayo,” sabi ni Sadiq. “Habang kumakain, magkuwentuhan tayo.’’

“Oo nga. Masarap magkuwentuhan habang kumakain,” sabi ni Gina.

“Sige, JayR, Bela, kain na tayo.’’

Dinampot ni JayR ang bandehado ng plain rice at iniabot kay Bela.

“Thanks JayR.’’

“Anong ulam ang gusto mo, Bela?’’

Tiningnan ni Bela ang mga putahe sa harapan.

“’Try ko ang salmon­, please.’’

Dinampot ni JayR at iniabot.

“Thanks. Okey na ito, JayR.’’

Saka lamang nagsimulang kumuha ng pagkain niya si JayR.

Habang kumakain ay wala silang imikan. Hindi makapagsalita si JayR. Wala siyang maisip na maitanong. Unang pagkakataon na may ipinakilala sa kanyang babae.

“Pareho kayong walang imik,” sabi ni Sadiq. “Palagay ko kayo talaga ang nakatakdang mag-partner. At saka parang magkahawig kayo. Alam n’yo yun daw magkahawig ang nagkakatuluyan. Tingnan n’yo kami ni Gina, magkamukha kami.’’

“Magkamukha ba tayo, Daddy? Pa­rang hindi!’’

Nagtawanan sina JayR at Bela.

“Magkamukha tayo. Tingnan mo akong mabuti.’’

“Sige na nga para matahimik ka na.’’

Binalingan ni Sa­diq si JayR.

“Ang ganda ni Bela ano, JayR?’’

“Oo. Super.’’

“Seksi rin yan!’

“Super seksi nga Sadiq.’’

“Yessss!’’

Nagtawa si Bela.

“Palagay ko mag­kakasundo kayong dalawa. Sana masundan pa ang pagkikitang ito,” sabi ni Sadiq.

 

 

KINABUKASAN ng gabi, bumisita na si JayR sa bahay nina Bela. Hindi makapaniwala si Bela.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with