^

True Confessions

Sadiq(150)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

TINAWAGAN ni Sadiq si JayR.

“JayR, may ipakiki­lala kaming babae sa’yo ni Gina. Magkita tayo ma­mayang gabi sa paborito nating restaurant sa North Edsa. Baka siya na ang maging kapalaran mo. Napakaganda niya JayR at napakabait.’’

Excited si JayR pero may kaba rin.

“Baka alangan ako sa kanya, Sadiq. Baka sa sobrang ganda niya e magmukha akong pa­ngit.’’ Nagtawa si Sadiq.

“Ano ka ba, JayR? Hindi pa kayo nagkikita ng babae e may “daga” na agad sa dibdib mo. Hindi ka alangan sa ipa­kikilala namin sa’yo dahil magka-level kayo. Ba­gay kayong dalawa dahil pareho ka­yong may itsura. Hindi rin naglalayo ang edad ninyong dalawa. Ikaw ay 30-anyos at siya naman ay 28. Di ba match na match.’’

“Maganda ba talaga siya Sadiq?’’

“Superganda!’’

“Anong pangalan niya?’’

“Bela.’’

“Parang pangalan ng artista, Sadiq.’’

“Oo nga. Artistahin siya, JayR. Kapag kayo ang nag­katuluyan ni Bela, tiyak na ang gaganda ng tsikiting n’yo.’’

“Bakit naman Sadiq?’’

“Pareho nga kayong good looking. Ikaw guwapo siya guwapa.’’

“Thanks Sadiq. ‘Yan ang gusto ko sa’yo e, mas­yado mo akong pinupuri.’’

“Nagsasabi lang ako ng totoo, JayR.’’

“Tunay ka talagang ka­ibigan, Sadiq.’’

“Salamat. O sige, ma­maya magkita tayo sa North Edsa, 6:00 p.m. Magpaguwapo ka lalo, JayR.’’

“Sige Sadiq, sala­mat uli!”

KINAGABIHAN, ek­saktong 6:00 ay nasa restoran na si JayR. Nagpa-reserved na siya ng mesa. Maya-maya pa dumating na sina Sadiq at Gina, kasama si Bela. Maganda nga si Bela.

Pinagkilala sila.

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(150)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with