^

True Confessions

Sadiq (149)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“MASARAP ang may kasama sa buhay, JayR kaya kita hinihikayat na mag-asawa. Pagtanda mo mayroong asawa at mga anak na mag-aalaga. Magkakaroon ka ng mga apo. Masaya ang buhay kapag nakapagpundar ng pamilya. Tingnan mo ako, tatlo ang babaing anak at sila ngayon ang nagpapatakbo ng negosyo. Ako nakaupo lang at nagmamasid sa kanila. Walang kasingsarap kapag may pamilya, JayR,” sabi ni Sadiq.

“Naniniwala ako sa’yo Sadiq. Kaya nga gusto ko nang mag-asawa. Sana maihanap n’yo ako ni Gina.’’

“Oo. Huwag kang mag-alala at tutulungan ka namin ni Gina. Maraming kaibigan si Gina. Basta huwag kang patiyope-tiyope ha?’’

“Ikaw ba, Sadiq, natiyope ka ba kay Gina?’’

“Hindi. Talagang nilabanan ko ang hiya at katorpehan. Sabi ko sa sarili ko, kapag naging mahiyain ako, tapos na ang lahat. Kaya nang makakita ako ng pagkakataon, nagtapat ako kay Gina. Hindi ako naglihim sa kanya sa aking pagkatao. Sinabi ko lahat. Walang lihim-lihim. Kasi kung maglilihim ako at malalaman niya sa iba, kakahiya. Kaya yan ang susi sa magandang pagsasama ng mag-asawa --- walang lihiman.’’

Nakikinig na mabuti si JayR. Tama nga ang kaibigan niya. Dapat walang lihim.

“At isa pa, JayR dapat may paggalang sa isa’t isa. Mahalaga rin ang komunikasyon. Dapat may pa­sen­siyahan at pagbi­bigayan.’’

“Tatandaan ko yan Sadiq.’’

ISANG buwan ang nakalipas, may ipinakilala sina Gina at Sadiq kay JayR. Isang magandang babae. Ito ang ima-match nila kay JayR.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with