^

True Confessions

Sadiq (125)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BINUKSAN ni Sadiq ang gate at pinapasok si JayR. Nang makapasok, ipinakilala kay Gina.

Pumasok na sila sa loob. Pinaupo si JayR.

“Bakit hindi ka man lang tumawag o nag-text JayR? Darating ka na pala! Di ba sa Pasko pa ang dating mo?’’ sunud-sunod na tanong ni Sadiq sa kaibigan.

“Biglaan ang uwi ko, Sadiq, inatake sa puso si Itay. Nasa ICU pa hanggang ngayon!”

Napa-‘‘Diyos ko’’ si Gina.

‘‘Ganun ba? Ano nang lagay niya?’’

‘‘Inoobserbahan pa. Pero parang hindi tatagal si Itay.’’

‘‘Huwag kang masi­raan ng loob. Gagaling ang Itay mo.’’

“Si Inay ay may sakit din – diabetes! Kaya hilong talilong ako ngayon, Sadiq. Ang hirap pala ng ganito na ako lang ang ina­asahan. Yung kapatid ko e hirap din kasi sa buhay.’’

“Makakaya mo yan, JayR. Basta’t positibo ka lang palagi. Malalampasan mo ‘yan. Kung may maitutulong kami ni Gina, sabihin mo lang.’’

“Salamat Sadiq. May naipon naman ako, pero sa kalagayan ni Itay ay baka doon lamang mapunta lahat. Pinag-iisipan ko kung tuluyan nang magpi-finished contract sa Saudi para makuha ang separation pay ko. Ma­kapagnegosyo na lang dito katulad ng business mo. Ku­musta na nga pala ang SADIQ FRIESSARAP mo?’’

“Maunlad na JayR. Mga anak ko na ang nagma-ma­nage at mas mahusay silang magpatakbo kaysa akin.’’

“Mabuti ka pa, Sadiq. Hindi ka pa ba nagpa-franchise?’’

‘‘Ayaw pa ng mga anak ko. Huwag daw muna nga­yon. Concentrate lang kami sa kasalukuyang takbo.’’

“Ganun ba. Sabagay para nakatutok nang todo ano?’’

“Oo. Mga anak ako nagpaplano at kami ni Gina ay papasyal-pasyal na lang sa tindahan. Ayaw na kaming pagawain dun. Sila na lang daw.’’

“Ang husay talaga ng mga anak n’yo. Napaka­suwerte n’yo!’’

“Ikaw kasi ba’t ayaw mo pang mag-asawa para magkaroon ka na rin ng mga anak.’’

Ngumiti lamang si JayR. Parang gustong iwasan ang topic na yun.

Maya-maya, nagpaalam na si JayR. Siya raw ang magbabantay sa kanyang itay dahil ang kapatid niya ay uuwi naman para magpahinga.

‘‘Sige JayR, magsabi ka lang kung kailangan ng tulong. Narito lang kami ni Gina. Paki-text mo sa akin kung saang ospital naroon ang itay mo at dadalaw kami ni Gina.’’

“Oo, Sadiq. Salamat sa inyong mag-asawa.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with