^

True Confessions

Sadiq (124)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDi lang si Cath ang may honor, Daddy pati sina Jess at Myrr din!” sabi ni Gina na halatang masayang-masaya.

“Wow! Manang-mana sa mommy! Mabuti at hindi sa akin nagmana.”

“Dad ang husay sa pagnenegosyo ang namana namin sa’yo,’’ sabi ni Cath. “Kung hindi mo naisip ang SADIQ FRIESSARAP, e di wala sana tayong business ngayon.’’

“Pero kayo ang nagma-manage ngayon kaya ibig sabihin, mas mahusay kayo kaysa sa akin. Marunong kayong magpatakbo at magpaikot ng puhunan.’’

“Ah basta Daddy, ikaw ang pinakamatalino at pinakamabait na ama sa mundo, ha-ha-ha!” sabi ni Jess.

“Oo nga Daddy, ikaw ang da best!” sabi naman ni Myrr.

Nagtawanan ang mag-anak.

“Kailangang magselebreyt tayo ngayon dahil pawang mga honor stu­dents ang nagma-ma-nage ng SADIQ FRIESSARAP. Saan n’yo gustong kumain?’’
“Ikaw na ang bahala Daddy. Mahusay ka namang pumili. Gaya nang pagpili mo kay Mommy, yehey!’’

Nagtawanan ang mag-anak.

Punumpuno sila ng sigla at saya. Walang makakatulad ang nararamdaman nila. Natupad na lahat ang hinihiling nila.

Si Sadiq ang pinakamaligaya sa lahat sapagkat makaraan ang mga pinagdaanan niya sa buhay, nakamit niya ang pangarap.

MAKALIPAS ang isang buwan, nagulat sina Sadiq at Gina sa hindi nila inaasahang bisita.

Si JayR! (Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(124)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with