^

True Confessions

Sadiq(119)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

MAG-AALAS TRES na ng hapon nang maghiwalay sina Sadiq at dating kasamahan sa trabaho na si Rene. Pareho sila ni Rene na dating kabilang sa third sex noon na nagtagum­pay makatakas at nakabuo nang maganda at maayos na pamilya.

Sabi nga ni Rene nang maghiwalay sila, “Hindi ko maipagpapalit ang kalagayan ko ngayon na may nagmamahal na asawa at mga anak. Kuntentong-kuntento na ako, Sadiq. Walang makapapantay sa nararamdaman kong kaligayahan ngayon.’’

“Pareho tayo nang nararamdaman, Rene. Wala na akong mahihi­ling pa sapagkat mayroon akong magandang pamil­ya na hindi ko maipagpapalit. Katulad mo, kuntentung-kuntento rin ako.’’

Nagyakap at nagkamay silang mahigpit bago naghiwalay.

“Magtawagan tayo Sadiq, eto ang number ko. Masa­rap magkuwentuhan.’’

“Sige, Rene. Maraming salamat at nagkita tayo.’’

Naghiwalay na sila.

Nagtaka naman si Gina kung bakit hapon nang dumating si Sadiq.

“Ba’t natagalan ka Daddy?’’

“Sorry, hindi na kita nai-text. Nagkita kami sa Ayala ng dati kong officemate at nagkuwentuhan. Ang panga­lan niya ay Rene.’’

“Akala ko, kung ano nang nangyari sa’yo. Kasi’y maaga ka laging dumara­ting. Alam mo naman ako, lagi kitang nami-miss. Mi­nuto ka lang na mawala sa akin, hinahanap na agad kita.’’

“Ay ang sweet naman! Pa-kiss nga, ummm!’’ Pag­katapos ay niyakap ni Sadiq ang asawa.

“I love you, Mommy!’’

Nawala ang kaunting tampo ni Gina.

Ikinuwento naman ni Sadiq na si Rene ay dati ring bakla. Marami silang napagkuwentuhan na ang karamihan ay ang pagta­tagumpay nilang makatakas sa dating daigdig nilang ginagalawan.

(Itutuloy)

vuukle comment

SADIQ(119)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with